Posts

Showing posts from May, 2018

THESIS

Image

Barikada (On Reclamation Areas)

Best view ba ang hanap mo? First class seats sa pagsasamantala lang naman mula sa kinatatayuan ko. Barikada nga pala dito sa reclamation area. Sa likod ko itatayo ang solar city. Magbibigay daw ng hanapbuhay sa marami. At sa harap ko naman nagrarally ang mga mangingisdang tutol sa reklamasyon. Kesyo mapapaalis daw sila sa mga bahay nila at mawawalan ng hanapbuhay dahil kaunti na lang ang mahuhuling isda. Sabi naman ng iba, atake daw sa kultura. Mawawala ang sunset view oras na mapatayo ang solar city at marami pang iba. At sa kalikasan? Dahil sa pagtambak ng lupa, maraming marine life ang mawawala. At noong isang araw may narinig pa ako ah ano nga ulit yun ah hanggat hindi tinitigilan ang reklamasyon, ang baha, storm surge at lindol lalong sasahol. Kaya habang nandito ako sa itaas at nagmamasid, di rin mapigilan mag-isip. Sana sa susunod ay hindi na ako kasangkapan sa pananamantala at panggigipit.