Paano Manalo sa Mayo?


Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Kumuha ka ng bato at ipukpok sa ulo.
Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Kunin ang anak ng diktador bilang kandidato
Panigurado sa’yo - may boboto.

Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Basta si PNoy ikaw ang inendorso
Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Gawing nakakatakot ang name recall sa tao
Panigurado - sa’yo ay may boboto.

Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Maagang pangangampanya ay iyong itago.
Paano manalo sa eleksyon sa Mayo?
Kapag tinanong ng kahit ano, sumagot nang magulo.
Gawin mo ang lahat ng ‘to, paniguradong ika’y talo.

Comments

Popular posts from this blog

Bagong Tiktik & Tabloid Journalism

The Fash with Fashionalism