Ang Babae Sa Panahon ng Digmaan (Women in Conflict Areas)
Ang Babae sa Panahon ng Digmaan
Sa pagputok ng bawat kaguluhan,
Laging bulnerable at walang masandalan,
Gawain ay sa balikat namin naiiwan.
Ganyan ang babae sa panahon ng digmaan.
Ang mga bakwit na kababaihan,
Mga bakwit na walang mapuntahan.
Pagkain at malinis na tubig, laging kakulangan
Ganyan ang babae sa panahon ng digmaan.
Hiling naming pagbabalik sa mga paaralan,
Kailan kaya namin ito makakamtan?
At kahit sa pagtulog ang tanging hiling ay katahimikan.
Ganyan ang babae sa panahon ng digmaan.
Minamaltrato at pinagsasamantalahan,
Ginagahasa at niyuyurakan,
Pinapasok ang komunidad at katawan,
Ganyan ang babae sa panahon ng digmaan
Ngunit sa ligalig ay siya ring natagpuan,
Sumibol bagong uri ng kababaihan,
Kaisa sa pagbuo at pasgulong ng kapayapaan,
Tindog, babae! Sa kawalan man o digmaan.

Comments
Post a Comment