Posts

Showing posts from 2015

STS? TSS.

Socialized Tuition System Talagang pahirap sa sangkaestudyantehan. Sistemang kikitil sa pag-asa ng bayan. State subsidy ay di maramdaman. Tuition ba'y napunta saan?  Sa Pilipinas ka lang makakita niyan. Saan banda ba?  Totoo ba talaga? State U pa rin nga ba?  Sobra na.  Tama na.  Stop na. STS Education is a right! No to commercialization of education! 

Wakas

Sa wakas ay tapos na, Sa wakas ay pasado na. May hangganan din pala? Akala ko forever na. Sa wakas ay malaya na. Sa wakas ay graduate na. May hangganan din pala!  Forever ay naglaho na. Sa wakas ay pahinga na, Ang iskolar ni Ina, Upang ma-ihanda ang sarili, Sa susunod na pakikibaka.

Tenure

Tenure ay 'di biro, Sampung taon binubuo. Publish 'don, publish dito, Aral pa at trabaho.

Toy Factory

Sa factory na ito kami isinilang, Sa kamay ng mga manggagawa na sweldo ay kulang. Mausok, madumi at delikado rito. Di kaaya-ayang pagtrabahuhan ng sinomang tao. Pintura nilang gamit ay toxic, Araw araw na paglanghap dito, sinong di magiging sick? Kaya mga empleyado rito, mistulan ng toothpick. Sa dami ng ipapalit sayo, maatim mo pa bang magquit? Mga kapitalistang ganid, yan ang tried and tested na trick.

Hell Week

Hell week mang ituring, Lilipas pa rin. Tulog ma'y kulangin, Kaya namang bawiin. Hirap man sa aaralin, Para saan ba'y kakayanin. Para sa bayan ang isipin, Matuto nang husto ang hangarin. Pera ng bayan ay huwag sayangin Hirap ng mga magulang, pawiin.

Enrollment Blues

Pila pila pila Hintay hintay hintay Hila hila hila Katawang lupaypay. Pila pila pila Hintay hintay hintay Tila tila tila Di madali kanyang buhay. Pila pila pila Hintay hintay hintay Sila sila sila Silang mga estudyanteng tunay. Pila pila pila Hintay hintay hintay Nila nila nila Nilang may pasensiyang matibay.

Laiban Dam

**Orihinal na ginamit bilang isang piyesa sa dulaan  Aming mga lupa, kanilang kinamkam,  Para patayuan ng sinasabi nilang dam,  Paano nalang ang sagrado naming lupain,  Kung patuloy na lang nila itong kakamkamin? Nandito tayo ngayon para ipaglaban,lupang nagsilbi bilang tahanan. Tahanan ng ating mga pamilya, sisidlan ng mayaman nating kultura. Papayag ba kayong itayo ang dam na magpapalubog sa sampung baranggay? Sisira ng mahigit 5 libong buhay? Kailangan daw ng Metro Manila ng water supply,pagpapatayo ng dam sa atin, kahina-hinalang tunay. Free Prior and Informed Consent ay nasaan? Kahit anino man lang ay di nasilayan. Bigla ka na lang magugulat sa mga sementadong pundasyong nagsulputan. Libo-libong puno ang puputulin, pero mga sirang tubo ng tubig di kayang ayusin?! Bakit nga ba ang dam ay kailangang itayo sa Laiban? Alam naman nilang delikado dahil sa earthquake fault na iyan. Tingin ba nila’y kaya namin makipagsapalaran? Sa siyudad  na may naglala...

Papal Visit

Hindi isang malaking piyesta ang pagdating ng Santo Papa Upang magpagawa ng mga tarpaulin na mukha ninyo ang nakapinta Hindi dapat itago ang tunay na sitwasyon ng bansa Sa tulad niyang mapagpakumbaba Kung nais ipakita ang galak sa kanyang pagbisita, Pagsunod sa payak niyang pamumuhay 'di ba't sapat na? Ang hatid niyang pakikiramay sa mga biktima ng Yolanda Pati ba iyon ay ipagkakait pa? Bawal tanawin mula sa ikalawang palapag, Santo Papa'y ginawa nilang bulag. Tunay na kalagayan ng mga biktima'y hindi hayag, Sa likod ng mga barikadang bakal nagtatago ang kondisyong kahabag-habag. Si Papa Francisco ang instrumento ng pagbabago, Sa lawak ng impluwensya niya, bansa'y gigising panigurado. Buksan ang  mga mata sa nangyayari sa paligid mo, Kawalan ng hustisya ay nakapaligid sa iyo. Takpan man ng trapal o tapalan ang sirang kalsada, Hinding hindi maitatago ang totoo nitong problema. Ang oras ng pagbabago ay ngayon na, Kasama ang pinakapinagpipitagang...

Tulang Tamad

Petiks. Eto nanaman ako, 
Akala mo hapong-hapo.
 Pahinga’y di natapos, 
Simula ng ulan ay bumuhos. Kahit umaraw ay ganito pa rin,
 Patong patong na ang gagawin,
 Sa kama’y nakahiga at nakatingin,
 Sa kisameng gawa sa salamin. Nasayang ang oras sa wala,
 Ibang bagay ang ginawa.
 Puyat ang abot kinabukasan,
 Ganitong gawain, ayaw tigilan. Estudyante ngang tunay,
 Tulog ay nabibilang sa kamay, 
Takda niya’y walang humpay,
 Ngunit ang buhay ay hayahay.