Papal Visit
Hindi isang malaking piyesta ang pagdating ng Santo Papa
Upang magpagawa ng mga tarpaulin na mukha ninyo ang nakapinta
Hindi dapat itago ang tunay na sitwasyon ng bansa
Sa tulad niyang mapagpakumbaba
Kung nais ipakita ang galak sa kanyang pagbisita,
Pagsunod sa payak niyang pamumuhay 'di ba't sapat na?
Ang hatid niyang pakikiramay sa mga biktima ng Yolanda
Pati ba iyon ay ipagkakait pa?
Bawal tanawin mula sa ikalawang palapag,
Santo Papa'y ginawa nilang bulag.
Tunay na kalagayan ng mga biktima'y hindi hayag,
Sa likod ng mga barikadang bakal nagtatago ang kondisyong kahabag-habag.
Si Papa Francisco ang instrumento ng pagbabago,
Sa lawak ng impluwensya niya, bansa'y gigising panigurado.
Buksan ang mga mata sa nangyayari sa paligid mo,
Kawalan ng hustisya ay nakapaligid sa iyo.
Takpan man ng trapal o tapalan ang sirang kalsada,
Hinding hindi maitatago ang totoo nitong problema.
Ang oras ng pagbabago ay ngayon na,
Kasama ang pinakapinagpipitagang...Santo Papa.

Comments
Post a Comment