Laiban Dam

**Orihinal na ginamit bilang isang piyesa sa dulaan

 Aming mga lupa, kanilang kinamkam,
 Para patayuan ng sinasabi nilang dam,
 Paano nalang ang sagrado naming lupain,
 Kung patuloy na lang nila itong kakamkamin?

Nandito tayo ngayon para ipaglaban,lupang nagsilbi bilang tahanan. Tahanan ng ating mga pamilya, sisidlan ng mayaman nating kultura. Papayag ba kayong itayo ang dam na magpapalubog sa sampung baranggay? Sisira ng mahigit 5 libong buhay?

Kailangan daw ng Metro Manila ng water supply,pagpapatayo ng dam sa atin, kahina-hinalang tunay. Free Prior and Informed Consent ay nasaan? Kahit anino man lang ay di nasilayan. Bigla ka na lang magugulat sa mga sementadong pundasyong nagsulputan. Libo-libong puno ang puputulin, pero mga sirang tubo ng tubig di kayang ayusin?! Bakit nga ba ang dam ay kailangang itayo sa Laiban? Alam naman nilang delikado dahil sa earthquake fault na iyan.

Tingin ba nila’y kaya namin makipagsapalaran? Sa siyudad  na may naglalakihang gusali, saan kami lulugar diyan? Ang alam nami’y magkaingin, sa sementadong lupa paano ito gagawin? Ang lupang ito’y sagrado, itunuturing naming buhay. Kung ito’y inyong kukunin,  kultura’t pagkatao nami’y wala na ring saysay.

Teka teka, anong nangyayari? Bat kung kayo’y umasta parang dustang dusta at inaapi? Kayo nama’y may mapaglilipatan, di ba’y yan ang sabi? Para sa pakikinabang ng mas marami, konting sakripisyo ba’y di maari? At kapag nagtaas ang singil sa tubig kami nanaman ang masisi. Eh sa bawat delay na ginagawa niyo, interes ay lumalaki. Dahil kanino pa ba dapat ipasa ang pasanin ng utang? E di sa taong bayang, walang kaalam-alam.

WAKAS.

Comments

Popular posts from this blog

Bagong Tiktik & Tabloid Journalism

The Fash with Fashionalism