Tulang Tamad
Petiks.
Eto nanaman ako,
Akala mo hapong-hapo.
Pahinga’y di natapos,
Simula ng ulan ay bumuhos.
Kahit umaraw ay ganito pa rin,
Patong patong na ang gagawin,
Sa kama’y nakahiga at nakatingin,
Sa kisameng gawa sa salamin.
Nasayang ang oras sa wala,
Ibang bagay ang ginawa.
Puyat ang abot kinabukasan,
Ganitong gawain, ayaw tigilan.
Estudyante ngang tunay,
Tulog ay nabibilang sa kamay,
Takda niya’y walang humpay,
Ngunit ang buhay ay hayahay.
Eto nanaman ako,
Akala mo hapong-hapo.
Pahinga’y di natapos,
Simula ng ulan ay bumuhos.
Kahit umaraw ay ganito pa rin,
Patong patong na ang gagawin,
Sa kama’y nakahiga at nakatingin,
Sa kisameng gawa sa salamin.
Nasayang ang oras sa wala,
Ibang bagay ang ginawa.
Puyat ang abot kinabukasan,
Ganitong gawain, ayaw tigilan.
Estudyante ngang tunay,
Tulog ay nabibilang sa kamay,
Takda niya’y walang humpay,
Ngunit ang buhay ay hayahay.
Comments
Post a Comment